_ngayon
^

Bansa

Booster shot sa seniors na naturukan ng Sinovac, inirekomenda ng WHO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Booster shot sa seniors na naturukan ng Sinovac, inirekomenda ng WHO
Pero nilinaw ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) na hindi nila ini­rerekomenda ang pagbibigay ng booster shot sa mayorya ng populasyon kahit ginagawa na ito sa ibang bansa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng World Health Organization (WHO) na bigyan ng ‘booster shot’ ang mga matatandang unang naturukan ng Sinovac at Sinopharm COVID-19 vaccines at maging mga indibiduwal na may mahinang ‘immune system’.

Pero nilinaw ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) na hindi nila ini­rerekomenda ang pagbibigay ng booster shot sa mayorya ng populasyon kahit ginagawa na ito sa ibang bansa.

Sa halip, nais ng WHO na magpatupad ng moratorium sa booster doses hanggang hindi nababakunahan ang mga populasyon ng mga mahihirap na bansang kapos pa sa suplay ng bakuna.

“SAGE recommended that moderately and severely immunocompromised persons should be offered an additional dose of all WHO EUL COVID-19 vaccines as part of an extended primary series,” ayon sa SAGE.

Sinabi ni SAGE secretary Joachim Hombach na may mga ebidensya rin silang nakalap na nagiging limitado ang proteksyong ibinibigay ng Sinovac at Sinopharm vaccines sa mga may edad 60-anyos pataas kaya kailangan ng booster shot.

Samantala, nanindi­gan naman si Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na hindi pa kailangan ng pamaha­laan na magkaloob ng booster shots sa mga fully-vaccinated indivi­duals sa bansa dahil wala pa naman silang nakikitang ‘waning effect’ o paghupa ng epekto ng bakuna.

Sa datos ng FDA, may­roon pa lamang 516 breakthrough infections sa mga fully vaccinated individuals sa buong bansa at ito ay kumakatawan lamang sa 0.0025% ng 20.3 milyong fully vaccinated.

COVID-19 VACCINE WORLD HEALTH ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with