_ngayon
^

Bansa

2 positive lang sa COVID-19, kalsada lockdown agad

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 positive lang sa COVID-19, kalsada lockdown agad
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council (MMC), ipatutupad ang mga lockdowns sa mga kabahayan, gusali, kalsada, at subdibisyon na kakikitaan ng biglaang pagtaas ng mga kaso. Tatagal ang ipatutupad na lockdown ng hanggang 14 na araw.
pna.gov.ph / Avito C. Dalan

MANILA, Philippines — Magiging sobrang higpit umano ng ipatutupad na ‘granular lockdown’ ng pamahalaan mula nga­yong Setyembre 16 dahil agad na ipasasara ang isang kalsada sa oras na makatukoy ng dalawang positibong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council (MMC), ipatutupad ang mga lockdowns sa mga kabahayan, gusali, kalsada, at subdibisyon na kakikitaan ng biglaang pagtaas ng mga kaso. Tatagal ang ipatutupad na lockdown ng hanggang 14 na araw.

“Katulad po sa isang floor ng isang condomi­nium… basta magkaroon lang po ng isa pong case doon, ‘yong mismong isang floor na ‘yon ay puwede na po nating i-lock down po ‘yan,” paliwanag ni Olivarez.

“Isang bahay, puwede po nating i-lock down basta magkaroon lang po ng isang case po sa isang bahay. Kapag po sa kalsada, sa isang sitio po, mag-2 lang po ng case doon ay puwede na po nating magkaroon ng lockdown po d’yan para po ma-implement din,” dagdag niya.

Habang naka-lockdown naman, tinitiyak naman nila na magsasagawa ng ‘mass testing, contact-tracing at isolation’ sa mga apektadong residente.

Kung tatamaan ng lockdown ang isang lugar, hindi na magbibigay ang pamahalaan ng perang ayuda ngunit pagkain na lamang upang hindi na lumabas ng kanilang bahay.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with