^

Bansa

19 nawawala habang halos 80,000 apektado dahil sa bagyong Jolina — NDRRMC

Philstar.com
19 nawawala habang halos 80,000 apektado dahil sa bagyong Jolina â NDRRMC
Ignacio Agapito from the Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office monitors the movement of Typhoon Jolina on Sept. 7, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Libu-libo ang apektado habang halos 20 naman ang patuloy na nawawala bilang epekto ng Tropical Storm Jolina, na siyang papalabas na ng Philippine area of responsibility ngayong hapon o gabi.

Ito ang lumalabas sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes ng umaga:

  • Nawawala (15)
  • Apektadong residente (79,062)
  • Nasa evacuation centers (6,397)
  • Na-displace pero wala sa evacuation center (1,470)
  • Evacuation centers (90)

Sa mga nawawala, sinasabing 15 dito ang kumpirmado na habang apat pa ang patuloy na vina-validate ng NDRRMC.

Ilan na sa mga lugar na talagang naapektuhan ng naturang bagyo ay ang Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas.

Wala pa namang naitatalang patay o sugatan dahil sa pagtawid ng bagyong Jolina sa kalupaan ng Pilipinas sa ngayon.

Pinsala ng bagyo

Sa ngayon, aabot na sa 193.79 milyong halaga ng pinsala na ang naitatamo ng Regions 5, 6, at 8:

  • Bicol (P13.79 milyon)
  • Western Visayas (P436,610)
  • Eastern Visayas (P179.56 milyon)

Aabot naman sa 3,058 kabahayan ang napinsala ng tropical storm sa kasalukuyan:

  • bahagyang nasira (2,900)
  • wasak na wasak (158)

Dating nasa typhoon category ang bagyong "Jolina" bago ito humina sa ngayon. Sa kabila nito, patuloy namang nananala ang Typhoon Kiko sa loob ng PAR na posible pang maging super typhoon dahil sa lakas nito. — James Relativo

DAMAGES

JOLINA

MISSING

NDRRMC

TROPICAL STORM

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with