_ngayon
^

Bansa

22.7 milyong bakuna darating ngayong Agosto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
22.7 milyong bakuna darating ngayong Agosto
This screengrab shows the United States' donation of more than 3 million Moderna doses to the Philippines, which arrived on Aug. 3, 2021
RTVM

MANILA, Philippines — Aabot sa 22,726,060 doses ng bakuna ang parating sa bansa ngayong buong buwan ng Agosto.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa nasabing bilang ay dumating na ang 415,000 doses ng AstraZeneca at kahapon din ay dumating ang 3,000,060 doses ng Moderna.

Sa unang linggo aniya ng Agosto ay may dumating na 1 milyong Sinovac bukod pa sa 813,150 Pfizer at 1,170,000 AstraZeneca.

Pinasalamatan din ni Roque ang China dahil sa donasyon na isang milyong doses ng Sinopharm

Mayroon ding inaasahan na 2 milyon doses na darating sa ikalawang linggo ng Agosto; tatlong milyon sa pangatlong linggo at; at 2,400,000 sa pang-apat na linggo.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with