_ngayon
^

Bansa

COVID-19 cases sa NCR, umakyat ng 47%

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 cases sa NCR, umakyat ng 47%
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na higit 900 bagong kaso kada araw ang naitala noong nakaraang linggo sa Kamaynilaan.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Umakyat na ng 47 porsyento ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na linggo kumpara sa sinundan na linggo.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na higit 900 bagong kaso kada araw ang naitala noong nakaraang linggo sa Kamaynilaan.

Dahil dito, sinabi ni Duque na magsilbi sana itong ‘wake-up call’ sa mga lokal na pamahalaan na lalo pang paigtingin ang ‘case finding, testing, at contact tracing’ para mas epektibong malaba­nan ang pagkalat ng virus.

Sang-ayon din ang kalihim sa rekomendasyon ng OCTA Research Group na magpatupad ng ‘circuit breaker lockdown’ sa mga lokalidad na mataas ang transmisyon ng COVID-19 dahil sa Delta variant.

Pero kailangan pa rin na pag-usapan ito ng mga medical experts at IATF kung magiging epektibo ito. Kailangan muna an­yang mapatunayan na may ‘community transmission’ na ng Delta variant bago ito ipa­tupad ngunit mas mainam pa rin kung isipin kaagad na mayroon ng malawakang transmisyon nito upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.

OCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with