_ngayon
^

Bansa

9 heneral iimbestigahan vs drug trafficking

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
9 heneral iimbestigahan vs drug trafficking
Ang kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar ay kasunod ng pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na siyam na high-ranking police officials ang sangkot drug trafficking.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar ang pagkakasangkot ng siyam na heneral sa drug trafficking.

Ang kautusan ni Eleazar ay kasunod ng pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na siyam na high-ranking police officials ang sangkot drug trafficking.

Tniyak naman ni Eleazar na tututukan at bubusisiin ang kaso dahil walang lugar sa organisasyon ang mga pulis lalo na ang mga sangkot sa droga.

Ani Eleazar, ang mga pulis na sangkot sa droga ang sumisira sa hanay ng PNP. Hindi naman nito binanggit ang pangalan ng siyam na opisyal.

Una nang sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers na isusulong niya ang congressional inquiry sa pagkakasangkot ng siyam na general.

Ayon kay Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, nais niyang mabuksan muli ang kaso dahil magpahanggang ngayon ay ‘scot-free’ o patuloy pang nakalalaya ang naturang mga narco generals.— Joy Cantos

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with