_ngayon
^

Bansa

Mass transport plan vs Delta variant ilatag

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala si Sen. Joel Villanueva na maaring magdulot ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Delta variant ng COVID-19 kung walang transport plan ang gobyerno lalo na kung may bagyo.

Ayon kay Villanueva, ang mga manggagawang wala pang bakuna na nagsisiksikan sa mga bus at jeepney sa panahon ng ulan at bagyo ay puwedeng maging sanhi nang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kailangan aniya ang mass transport plan na magbigay ng mas maraming alternatibo sa araw-araw na biyahe para sa mga economic frontliners at ibang manggagawa.

Aniya, magkahalong lungkot at pangamba ang mga larawan ng mga manggagawang pauwi at nakapila habang naghihintay ng masasakyang jeep o bus sa malakas na buhos ng ulan.

Mahigit 70 porsyento ng mga manggagawa sa NCR ay hindi pwedeng work-from-home, at kinakailangang harapin ang panganib ng sakit araw-araw sa kanilang biyahe patungong trabaho.

Kaya naman may reputasyon ang Metro Manila bilang No. 2 sa listahan ng mga siyudad sa buong mundo na may malalang trapik, “at baka po number one pa kung rush hour plus heavy rains,” anang senador.

Tinatayang 1/3 ng ekonomiya ng buong bansa ay mula sa Metro Manila, habang ang Region III at Region IV-A naman ay kumakatawan sa 1/4 ng GDP ng bansa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with