_ngayon
^

Bansa

Bong Go umayuda sa PWDs, deaf students sa Southern Leyte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 855 per­sons with disabilities at deaf students ang inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go sa serye ng relief operations sa Maasin City Gym sa Maasin City, Southern Leyte bilang bahagi ng ginagawang pagsuporta ng senador sa vulnerable Filipinos, lalo sa mga may kinakaharap na problema sa kalusugan sa gitna ng pandaigdigang pandemya.

“Sa akong mga kaigsoonan na mga PWDs, sa mga deaf students dinha sa Maasin, kumusta naman mo tanan? Kabalo mo na dool mo sa among kasing-kasing ni Presidente Duterte ang mga taga-Maasin, Southern Leyte kay dinha gikan ang atoang Presidente na si Presidente Rodrigo Roa Duterte,” sabi ni Go sa wikang Bisaya sa kanyang video message.

“Alam ko na mahirap ang panahon ngayon, magtulungan lang tayo. Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo lang ding kapwa Pilipino,” idinagdag niya.

Dahil isa sa kanyang top priority ang kalusugan ng mga Filipino, hinimok ni Go, chair ng Senate Committee on Health and Demography, ang mga benepisyaryo na bumisita sa Salvacion Oppus Yñiguez Memorial Provincial Hospital sa capital city kung saan sila nakahandang asistehan ng Malasakit Center para sa kanilang mga gastusin.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with