_ngayon
^
Palasyo hindi alam kung Duterte 'close contact' ng COVID-19 positive na anak
Litrato nina Pangulong Rodrigo Dutete (kaliwa) at Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte (kanan) na nagpositibo kamakailan sa COVID-19
Mula sa Instagram account ni Sebastian Duterte

Palasyo hindi alam kung Duterte 'close contact' ng COVID-19 positive na anak

James Relativo (Philstar.com) - July 22, 2021 - 4:50pm

MANILA, Philippines — Inaalam pa ng Malacañang kung naging "close contact" si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang anak na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

COVID-19 positive kasi ngayon ang anak ni Presidente Digong na si Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte, ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Miyerkules.

"Wala po akong alam na close contact si presidente," ani presidential spokesperson Harry Roque Huwebes sa isang media briefing.

 

Kilalang balwarte ng pamilya Duterte ang lungsod at probinsya ng Davao, kung saan nagsasalitan sila-sila sa iba't ibang government posts.

Dahil dito, ilang beses na natatawag bilang "political dynasty" ang kanilang angkan, gaya ng iba pang mga political families.

Sara Duterte pass muna sa SONA

Bagama't hindi pa tiyak kung makakaapekto ang pagpositibo ni Baste sa State of the Nation Address (SONA) attendance sa darating na Lunes, meron nang ilang mga Duterte na una nang nagpahayag na hindi makadadalo.

"Nag-confirm na po si Mayor Sara na hindi po siya darating. Hindi ko lang po alam kung makakarating si Deputy Speaker Pulong [Paolo Duterte]. But I understand the number of members of Congress attending are also very limited po," patuloy ni Roque.

Usap-usapan ngayon ang planong pagtakbo ni Sara sa pagkapangulo sa 2022 habang si Digong naman at patuloy na nililigawan ng kanyang partidong PDP-Laban para tumakbo sa pagka-bise presidente sa susunod na taon.

NOVEL CORONAVIRUS PAOLO DUTERTE RODRIGO DUTERTE SARA DUTERTE-CARPIO SEBASTIAN DUTERTE SONA 2021
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with