Duterte ipinatigil ang reclamation projects sa Manila Bay dahil sa korapsyon

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa sa Camp Crame, Quezon City, sinabi nito na libu-libo ang aplikasyon para sa Manila Bay reclamation pero ipinahinto niya dahil sa korupsiyon.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na korupsiyon ang dahilan kaya niya ipinatigil ang mga reclamation projects sa Manila Bay.

Sa talumpati ni Duterte kamakalawa sa Camp Crame, Quezon City, sinabi nito na libu-libo ang aplikasyon para sa Manila Bay reclamation pero ipinahinto niya dahil sa korupsiyon.

Dahil aniya sa mga nahintong proyekto, mara­ming malalaking kompanya ang nawalan ng pera o na-delay ang proyekto.

“That is what I said. I told you do not give money to the people in government. If I know that you have given them even a single centavo, I will throw your application to the wastebasket. And I have done that and I’m doing it every day para talaga magtino ito,” ani Duterte.

Ayon pa kay Duterte maraming tao na ang pinatalsik niya sa puwesto at minsan ay isinisiwalat pa niya ang pangalan ng mga ito.

Show comments