^

Bansa

Mga PWD sa Tupi, South Cotabato tinulungan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa kanyang pangako na hindi pababayaan ang mga vulnerable, lalo ang mahihirap na komunidad, personal na binisita at hinatiran ng tulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga may kapansanan o persons with disabilities sa Tupi, South Cotabato.

“Sinabi ko kay Mayor [Romeo Tamayo] na hindi natin kakalimutan ang mga kapatid nating may disabilities, lalo na hirap tayo ngayong panahong ito. Hirap tayo sa trabaho at hirap sa negosyo. Magtulungan lang tayo, mga kababayan, at malalampasan din natin ang mga pagsubok na ito,” sabi ni Go.

Namahagi ang grupo ni Go ng mga makakain, food at medicine packs, masks at face shields sa tinatayang  150 PWDs  sa municipal gym.

May mga binigyan din ng bisikleta, pares ng  sapatos at computer tablets para sa mga mag-aaral.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, hinimok ni Go ang mga nangangailangan ng medical services o treatments na lumapit sa Malasakit Center na nasa Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa General Santos City o sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

“Kung kailangan niyo magpa-opera, mayroon nang Malasakit Center dito. Puntahan niyo lang ‘yan o lapitan niyo ang aking staff at tutulungan namin kayo. Mayroon na tayong 120 Malasakit Centers sa buong Pilipinas na tutulong para sa mga pangangailangang medikal niyo. Inyo ito, para ito sa mga Pilipino,” paliwanag ni Go.

Nanawagan din ang senador na magpabakuna na kapag nagkaroon ng pagkakataon para makaiwas sa COVID-19.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with