_ngayon
^
DOLE: 7 days quarantine sa bakunadong OFWs
Ito ay makaraang pa­yagan na ng IATF ang mga biyahero na dumarating sa bansa na ‘fully vaccinated’ na hanggang pitong araw na lamang ang kanilang quarantine period. Hindi naman sakop ng polisiya na ito ang mga OFWs.
AFP/Yasser Al-Zayyat

DOLE: 7 days quarantine sa bakunadong OFWs

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang ihain ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukala na ibaba sa pitong araw ang ‘quarantine days’ ng mga dumarating na OFWs na nakakumpleto na ng bakuna.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ipapanukala niya ito sa IATF sa kanilang pagpupulong ngayong darating na Huwebes.

Ito ay makaraang pa­yagan na ng IATF ang mga biyahero na dumarating sa bansa na ‘fully vaccinated’ na hanggang pitong araw na lamang ang kanilang quarantine period.  Hindi naman sakop ng polisiya na ito ang mga OFWs.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Bello na kailangan pa ring manatili sa mga quarantine facilities ng mga OFWs ng 10 araw at sumailalim sa swab tests sa ikapitng araw. Matapos nito, kailangan pa rin silang mag-home quarantine sa loob ng apat na araw.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with