_ngayon
^

Death, burial benefits sa IP Reps pinuri ni Go

(Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinasalamatan at pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaloob ng death at burial benefits sa indigenous peoples mandatory representatives (IPMR) sa mga barangay.

Bago tumakbo sa pagkasenador noong 2019, isa si Go sa nangungunang nananawagan na mabigyan ng ganitong benepisyo ang IP representatives.

Batay sa batas, ang Indigenous peoples’ representatives sa lahat ng policy-making bodies at local councils ay dapat may kaparehas na karapatan na katulad ng regular na miyembro ng legislative at policy-making bodies na kanilang kinabibilangan.

Noong 2019, inirekomenda rin ni Go sa Office of the President na bigyan ng P3,000 Christmas incentives ang halal na barangay officials, kasama ang IPMRs, bilang pagkilala sa kanilang pagmamalasakit sa kanilang komunidad.

Ang senador ang nangunguna para madamayan ang indigenous communities na apektado ng pandemya. Noong May 20, binigyan ni Go ng ayuda ang indigenous communities, mga dating rebelde at magsasaka sa Mati City, Davao Oriental.

Sinuportahan din niya ang konstruksyon ng Masandag Tribal Village sa Tagum City, Davao del Norte na magkakaloob ng maayos na bahay sa 400 miyembro ng indigenous groups sa nasabing lugar.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with