_ngayon
^
Face shield mandatory pa rin indoor at outdoor - Palasyo
Matatandan na nagkaroon ng kalituhan tungkol sa pagsusuot ng face shield matapos kumpirmahin ni Roque ang sinabi ni Duterte kina Senate President Vicente “Tito” Sotto at Sen. Joel Villanueva na nais na lamang niyang sa loob ng ospital isuot ang face shield.
Philstar.com/Irish Lising, file

Face shield mandatory pa rin indoor at outdoor - Palasyo

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumambiyo kahapon ang Malacañang sa naunang pahayag at sinabing “mandatory” pa rin ang pagsusuot ng face shields sa indoor at outdoor.

Sa pamamagitan ng Twitter, inihayag kagabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sinunod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ng mga health experts dahil sa Delta variant o ang mas nakakahawang variant ng COVID-19 na unang nakita sa India.

“Acting on the advice of health experts, and in view of the Delta variant, PRRD declares that the wearing of face shields, both indoor and outdoor, is still mandatory, “ ani Roque sa kanyang tweet.

Kinumpirma rin ni Dra. Cynthia Saloma ng Philippine Genome Center ng UP Manila na lubhang nakakahawa ang Delta variant na naging dahilan para maging mandatory muli ang pagsusuot ng face shield kahit sa labas ng gusali o tahanan.

“Nakakabahala po kasi, kasi alam natin na iyong Alpha variant is about 60% more transmissible. Pero on top of that po, itong Delta variant, mas 60% more transmissible po siya kaysa doon sa Alpha variant,” ani Saloma.

Matatandan na nagkaroon ng kalituhan tungkol sa pagsusuot ng face shield matapos kumpirmahin ni Roque ang sinabi ni Duterte kina Senate President Vicente “Tito” Sotto at Sen. Joel Villanueva na nais na lamang niyang sa loob ng ospital isuot ang face shield.

Related video:

FACE SHIELD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with