_ngayon
^
Pwedeng magpabakuna kahit saan sa Pinas basta nakapagparehistro - DOH
Nag-iisa lang sa pila ang medical frontliner na ito matapos maging matumal ang dating ng mga nagpapabakuna kahapon sa apat na vaccinations sites sa mga mall sa Maynila. Ito’y makaraang kanselahin ang pagtanggap ng ‘walk-in applicants’ para maiwasan daw ang siksikan at hawahan ng COVID-19.
Edd Gumban

Pwedeng magpabakuna kahit saan sa Pinas basta nakapagparehistro - DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na maaa­ring mabakunahan ang sinumang Pilipino sa alinmang parte ng bansa basta nakapagparehistro sila sa lokal na pamahalaan para maiwasan ang ‘walk-in’ at hindi maging sanhi ng pagsisiksikan.

“Ibig sabihin, kung ikaw ay nagpunta sa Davao at ikaw ay puwede nang bakunahan, puwede ka bakunahan doon kahit hindi ka taga-Davao,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Bahagi umano ito ng ‘no wrong door policy’ na ipinatutupad ng DOH kung saan hindi nila isinasara ang pinto sa lahat ng mga gustong magpabakuna kahit hindi sila residente ng lugar na kinaroroonan nila.

Ngunit hindi inirerekomenda ng DOH sa mga lokal na pamahalaan na tumanggap ng mga walk-in applicants dahil maaaring magresulta ito ng pagsisiksikan ng mga tao at posibleng pagkalat ng virus.

Mas makabubuti umano na magparehistro muna sa lokal na pamahalaan ang mga nais magpabakuna bago magtungo sa mga vaccination centers para tiyak na malalaanan ng kanilang dose at maging maayos ang sistema.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with