_ngayon
^
Arawang kaso ng COVID-19 sa NCR, bumaba ng 13% - OCTA
Batay sa ulat ng OCTA Research team, may 829 kaso kada-araw ang naitatala sa NCR mula Hunyo 9 hang­gang Hunyo 15.
AFP/Miggy Hilario

Arawang kaso ng COVID-19 sa NCR, bumaba ng 13% - OCTA

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumaba ng 13 percent ang arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Batay sa ulat ng  OCTA Research team, may 829 kaso kada-araw ang naitatala sa NCR mula Hunyo 9 hang­gang Hunyo 15.

Pumalo naman ang average daily attack rate (ADAR) ng 6 kada 100,000.

Umaabot sa 0.69 ang reproduction number, 8% ang positivity rate na may 35% hospital bed occupancy, 46% ICU bed occupancy at 33% mecha-nical ventilator occu­­pancy  na pawang nasa safe levels.

Nasa ilalim naman ng moderate risk ang Navotas,  Marikina, Caloocan at Malabon.

Sa ngayon ay nasa  general community quaran­tine “with some restrictions” ang Metro Manila at Bulacan hanggang June 30.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with