_ngayon
^

Namemeke ng sakit para sa bakuna, binalaan

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga namemeke ng ‘comorbidities’ o sakit para makabilang sa A3 priority group at makapagpabakuna na.

Sinabi ni Vergeire na may batas na nagpapataw ng parusa laban sa mga taong mapapatunayang namemeke ng dokumento upang mabakunahan.

Tiniyak rin naman ni Vergeire na ginagawan naman ng paraan ng pamahalaan upang ang lahat ng mga tao ay mabakunahan kaya’t hindi dapat mag-unahan sa pagpapabakuna.

Dapat umanong maunawaan na inuuna lamang muna nila ang mga taong itinuturong “vulnerable” sa virus dahil sila ang maaaring magkaroon ng malalang kundisyon sa oras na mahawa nito.

Nakiusap si Vergeire ng pasensya sa mga hindi kabilang sa priority groups at maghintay muna sa kanilang takdang panahon lalo na’t kabilang na ang mga ‘essential workers’ o A4 group sa mga mababakunahan.

Tiniyak naman ni Vergeire na sa vaccination sites ay patuloy at paiigti­ngin pa ang ginagawang screening upang mapatunayan kung tunay bang may comorbidities o sakit ang babakunahan, base sa kanilang medical certificate o laboratory documents.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with