_ngayon
^
Mandatory vaccine pass sa indoor business kinontra ng DTI
“Kami ho, hindi ho kami sang-ayon sa vaccine pass na gagawing mandatory... Hindi po siguro talaga puwede yun. May issue sa discrimination; pangalawa napakababa pa ng ating percentage na na-vaccinate na population,” ani Trade Secretary Ramon Lopez.
Presidential Photo

Mandatory vaccine pass sa indoor business kinontra ng DTI

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi sang-ayon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa panukalang gawing mandatory requirement ang vaccine pass upang makapasok sa loob ng mga establisimyento.

“Kami ho, hindi ho kami sang-ayon sa vaccine pass na gagawing mandatory... Hindi po siguro talaga puwede yun. May issue sa discrimination; pangalawa napakababa pa ng ating percentage na na-vaccinate na population,” ani Trade Secretary Ramon Lopez.

Paliwanag niya, napakaliit pa lang ng porsyento sa populasyon ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine.

“Siguro 2 percent pa lang kasi over 2 million pa lang tayo (ng nabakunahan)... Kailangan pag-aralan yan pag medyo mataas na ang porsyento.”

Gayunman, bukas naman aniya ang kagawaran sa proposal na mabigyan ng diskuwento ang mga nabakunahan na laban sa COVID-19.

Nitong Mayo 12, nasa mahigit 2.6 milyon doses pa lang ng bakuna ang naiturok at may 5.15 milyon pa ang hindi naibibigay.

Hindi pa pinapayagan ng gobyerno ang muling pagbubukas ng entertainment, recreational, amusement, indoor sports at indoor tourist attractions dahil sa posibilidad ng mataas na hawaan ng virus sa indoor establishments.

DTI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with