^

Bansa

Panlalaban hindi na kailangang patunayan sa kasong rape - SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na ngayon kaila­ngang patunayan ng isang biktima ng panggagahasa na nanlaban siya para ma­patunayan na may naganap na krimen.

Ito ay base sa desis­yong inilabas ng Supreme Court nitong Mayo 12 na matatagpuan sa website nito, na nagbabasura sa apela ng suspek na si Joselito Salazar sa kasong panggagahasa sa isang 15-taong gulang na babae sa Barangay Kalawaan, Pasig City noong 2013.

Unang nahatulan ng ‘reclusion perpetua’ o pagkakulong ng mula 20 hanggang 40 na taon si Salazar bukod pa sa pagbabayad ng P225,000 damages ng mababang korte sa Pasig City.

Iniapela ito ni Salazar sa SC sa katwiran na hindi umano sumigaw, nanghingi ng tulong o nagtangka man lang na tumakas ang biktima. Kinuwestiyon nila ang kredibilidad ng biktima dahil ang kaniyang aksyon umano habang at matapos gahasain ay kakaiba sa normal na ginagawa ng isang tao.

Sa desisyon ng Mataas na Korte, sinabi nito na iba-iba ang reaksyon ng mga tao sa mga nakaka-stress na sitwasyon kabilang na ang panggagahasa sa kanila.

Sa mga kaso ng rape, hindi umano hinihingi ng korte na patunayan ng biktima na pisikal silang nanlaban kung may presensya ng pananakot.

“This court will not burden victims of rape of pro­ving physical resistance, especially when their assailants assaulted them and coerced them with a lethal weapon,” ayon pa sa desisyon.

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with