_ngayon
^
Mas mahabang delay sa 2nd dose ng bakuna, mas ligtas
Sa US (United States) study na nalat­hala sa BMJ British medical journal, gumagamit ang mga mananaliksik ng ‘simulation model’ at 100,000 adult samples na isinailalim sa iba’t ibang senaryo kabilang ang lebel ng impeksyon, bisa ng bakuna at immunization rates.
STAR/ File

Mas mahabang delay sa 2nd dose ng bakuna, mas ligtas

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas magiging ligtas ang buhay ng mga nabakunahang may edad 65-anyos pababa ng COVID-19 vaccines kung patatagalin ang pagbibigay ng ikalawang dose nito, ayon sa isang bagong pag-aaral ng mga dalubhasa sa Estados Unidos.

Sa US (United States) study na nalat­hala sa BMJ British medical journal, gumagamit ang mga mananaliksik ng ‘simulation model’ at 100,000 adult samples na isinailalim sa iba’t ibang senaryo kabilang ang lebel ng impeksyon, bisa ng bakuna at immunization rates.

“The results suggest that under specific conditions a decrease in cumulative mortality, infections, and hospital admissions can be achieved when the second vaccine dose is delayed,” ayon sa mga mananaliksik sa pangunguna ni Tho­mas Kingsley ng Mayo Clinic sa Rochester, Minnesota.

Makukuha umano ang resultang ito depende kung mapapatupad ang ilang kundisyon. Kabilang dito ang pagbakuna na may ‘one dose efficacy’ na 80% at pagkakaroon ng ‘immunization rate’ sa pagitan ng 0.1% hanggang 0.3% ng populasyon kada araw.

Kung makukuha ang kundisyong ito at mas patatagalin ang pagbibigay ng ikalawang dose ng bakuna, maiiwasan umano ang pagkakaroon ng 26 hanggang 47 na masasawi kada 100,000 tao.

Sinusugan nito ang desisyon ng United Kingdom na palawigin ng 12 linggo ang pagtuturok ng ikalawang dose ng bakuna mula sa unang dose.

Sa datos na nakuha sa England, naitala na tumaas ang proteksyon sa pagkamatay ng mga pasyente sa 80% habang bumaba rin sa 70% ang mga naiimpeksyon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with