_ngayon
^
Pasaway bibigyan na lang ng face mask
Matatandaan na noong Miyerkules ng gabi ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte na arestuhin ang mga hindi maayos magsuot ng face mask at ikulong ng siyam na oras.
Walter Bollozos

Pasaway bibigyan na lang ng face mask

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bibigyan na lamang ng face mask ang mga inbidibwal na mahuhu­ling lumalabag sa health protocols.

Ayon kay Sen. Bong Go, sa permiso ni Pangulong Duterte ay kinausap niya si incoming PNP Chief Guillermo Eleazar at Trade Secretary Ramon Lopez tungkol dito.

Sinabi ni Go na ang napagkasunduan nila ay bibigyan muna ng face mask ang mga inbidibwal na maaaresto bago ikulong, pauwiin at malektyuran dahil baka sa selda magkahawaan ng COVID-19.

Matatandaan na noong Miyerkules ng gabi ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte na arestuhin ang mga hindi maayos magsuot ng face mask at ikulong ng siyam na oras.

Paliwanag ni Go, maaaring walang pambili ng face mask at maaari ring pasaway talaga kaya hindi nagsusuot o hindi maayos magsuot nito.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with