Community pantries higit 6,700 na – DILG

Barangay Nangka residente sa Marikina City makakuha ng libreng pagkain sa isang komunidad na inorganisa ng mga indibidwal mula sa isang pribadong kumpanya sa covered court Martes, Mayo 4 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umabot na sa mahigit 6,700 community pantry ang itinayo ng mga pribadong indibidwal at mga grupo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa kabuuan ay nasa 6,715 na ang community pantries na naitayo.

Pinakamarami aniyang naitayong community pantry sa area ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), gayundin sa Region 3 (Central Luzon) at National Capital Region (NCR).

Kaugnay nito, tiniyak niya na patuloy na tinututukan ng mga awtoridad ang mga community pantry para matiyak na sumusunod ito sa health protocols upang maiwasan ang posibleng hawahan ng COVID-19.

Matatandaang nagsimula lang ito sa isang pantry sa Maginhawa Street sa Quezon City na sinimulan ni Ana Patricia Non, na ang layunin ay mabigyan ng pagkain ang mga mamamayang naapektuhan ng COVID- pandemic..

Show comments