^
Locsin nag-sorry sa pagmumura sa China
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, mismong si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang nagsabi sa kanya sa kanilang pag-uusap sa telepono na nag-sorry siya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
STAR/ File

Locsin nag-sorry sa pagmumura sa China

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-sorry si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa gobyerno ng China dahil sa pagmumura sa kanyang tweet kung saan pinapalayas niya ang mga barko ng China na nasa West Philippine Sea.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, mismong si Locsin ang nagsabi sa kanya sa kanilang pag-uusap sa telepono na nag-sorry siya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

“I was told by Secretary Locsin that he has personally apologized to the Chinese ambassador in my telephone conversation with him this morning,” ani Roque.

Naniniwala rin si Ro­que na si Locsin ang pi­napatamaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nito sa kanyang Talk to the People kamakalawa ng gabi na hindi dapat maging “rude” at “disrespectful” sa China sa kabila ng sigalot.

“The President did not asked him to apologize but Secretary Locsin did it on his own,” sabi pa ni Roque.

Hindi naman aniya binanggit ni Locsin na balak nitong mag-resign bilang kalihim ng DFA.

Sinabi rin ni Roque na sa meeting nila kay Duterte kasama si Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinabi ng Pangulo na ayaw niya na may nagmumura lalo na sa larangan ng diplomasiya.

Pinasabi rin aniya ni Duterte sa ibang miyembro ng Gabinete na siya lamang ang maaaring magmura pagdating sa diplomasya.

TEODORO LOCSIN JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with