^

Bong Go: Kalusugan, kaligtasan ng mga estudyante, guro ikonsidera kapag ibinalik ang face-to-face classes

(Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat na maingat na ikonsidera ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at non-teaching personnel sa mga paaralan kapag nagdesisyon ang mga kinauukulan na mu­ling ibalik ang face-to-face classes.

Ayon sa senador, ang kaligtasan ng bawat isa sa mga paaralan ay dapat na maunang prayoridad ng pamahalaan.

“‘Di pa naman sigurado ‘yan opening of classes dahil for approval pa po ‘yan ng IATF (Inter-Agency Task Force on Emer­ging Infectious Diseases),” sabi ni Go sa ambush interview.

“Ako naman po, ‘wag po tayo masyadong magmadali. Bigyan natin ng konting espasyo ang ating mga guro dahil mahirap po sa panahong ito ‘pag meron pong nagpositibo na isang guro o estud­yante ay mahihirapan na naman tayo sa contact tracing dahil naka-focus ngayon sa pagbabakuna,” dagdag niya.

Anang mambabatas, hindi siya pabor sa pagsasagawa ng face-to-face classes hanggang hindi nararating ng bansa ang herd immunity sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Balak ng Department of Education na masi­mulan ang susunod na school year sa August 23, nangangahulugan na mas umiksi ang bakasyon ng mga estudyante sa 6 linggo kumpara sa karaniwang 2 buwan noon.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with