_ngayon
^

Bayanihan 3 tiniyak ng Kamara na maipapasa

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Determinado ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa ang Bayanihan 3 o ang ikatlong COVID-19 relief package upang tulungan ang mga naghihirap na Pilipino at para makabangon ang  sumadsad na ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco, bibilisin ng le­gislative chamber ang pag-aapruba ng Ba­yanihan 3 sa pagbabalik sesyon muli ng Kamara sa Mayo 17.

Una rito, magkakasunod na inaprubahan ng House Committees on Economic Affairs, Social Services at Ways and Means ang Bayanihan 3 na naglalaan ng P405.6 bilyong pondo. Kabilang dito ang dalawang rounds ng cash aid na P1,000 sa bawat Pilipino.

Ang ayudang cash na aabot sa P216 bilyon ay ibibigay sa 108 mil­yong Pilipino anuman ang kanilang status sa buhay.

Nakikipag-usap na ang Kamara sa Department of Finance (DOF) para sa mapagkukunan ng pondo ng Bayanihan 3.

Bukod sa pagbibigay ng Social Amelioration o ayudang cash sa bawat Pilipino, nilalayon rin ng Bayanihan 3 bill na maglaan ng pondo para sa mga sektor na naapektuhan ng pan­demya, subsidy sa suweldo, tulungan ang sektor ng agrikultura, internet allowance ng mga estudyante at guro; paggamot at bakuna sa COVID-19 at rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng mga pagbaha sa nakalipas na kalamidad.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with