^
âKulang na kami sa nursesâ
Una na umanong uma­pela ang PHAP sa pama­halaan na tulungan silang madagdagan ang kanilang mga healthcare workers para sa kanilang COVID-19 wards ngunit nananatiling kapos sila sa mga tauhan.
The STAR/Michael Varcas

‘Kulang na kami sa nurses’

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

Private hospitals nagpasaklolo sa DOH

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagpapasaklolo ng mga pribadong pagamutan sa Department of Health (DOH) na maayudahan sila ng mga dagdag na mga nurse dahil sa kakulangan ng mga nangangalaga sa mga COVID-patients.

Ito’y sa gitna ng uma­no’y “written warning” ng DOH sa mga private hospitals na itaas sa 30 por-syento ang kanilang COVID bed capacity mula sa kasalukuyang 20 percent.

Bagama’t susunod sa utos ng pamahalaan, iginiit ni Dr. Jose Rene Degrano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP), na kapos naman sila ngayon sa mga nurse.

“Sinabi po namin depende po ‘yun, we will try as much as possible. Pero ano pong gagawin namin kung wala kaming makuhang additional nurses na pwedeng pumuno sa additional beds,” ayon kay Degrano.  

Sinabi ni Degrano na ang isang nurse ay kayang humawak ng lima hanggang walong pasyente na mild lamang ang mga sintomas. Ang isang nurse rin ay may kakayahan na humawak ng isa hanggang tatlong pasyente na moderate hanggang severe naman ang sintomas.

Una na umanong uma­pela ang PHAP sa pama­halaan na tulungan silang madagdagan ang kanilang mga healthcare workers para sa kanilang COVID-19 wards ngunit nananatiling kapos sila sa mga tauhan.

Nitong Linggo ng hapon, nasa 936,133 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 mula noong Marso 2020.  Inaasahan na aakyat ito    sa higit isang milyon nga-yong buwan ng Abril.

Ayon sa mga eksperto, inaasahan naman na mararamdaman lamang ang epekto ng pagpapatupad ng ECQ at MECQ sa NCR Plus sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo kung saan bababa na ang mga arawang bagong kaso.

Dati nang nanawagan ang grupo sa pamahalaan na ayudahan ang workforce ng mga pribadong ospital para patuloy na mapagsilbihan ang tumataas na dami ng bilang ng mga pasyente na may Covid-19 sa Metro Manila. Angie dela Cruz

NURSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with