^

Malacañang pinuri ang bahagyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinuri ng Malacañang ang bahagyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Ro­que, bumaba ang kaso ng COVID-19 base sa mga datos na ibinigay ng mga local government units (LGUs).

Sinabi ni Roque na mula sa 4,083 na kaso noong April 15, ito ay naging 3,957 noong April 18 sa Manila. 

Bumaba rin aniya sa Muntinlupa, mula 1,692, ito ay naging 1,578, samantalang sa Pasay, mula 480 ay naging 390. 

Idinagdag ni Roque na bumaba rin ang kaso sa Valenzuela na nasa 1,280 noong April 15 ay naging 1,173 noong April 17.

“Kaugnay nito, patuloy lang nating paigtingin ang ating mask, hugas, iwas habang nananawagan tayo na magpabakuna na ang hindi pa nababakunahan,” ani Roque.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with