^

Mga hotel na huminto ng operasyon gamiting quarantine facilities sa COVID-19

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Deputy Majority Leader at 4thDistrict Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay na gamitin ang mga hotel na pansamantalang  huminto muna ng operasyon dulot ng pandemya bilang quarantine facilities sa mga mild na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Suntay, pu­nu­an na sa mga ospital habang halos kinukulang na rin ang mga quarantine facility na inilaan ng gobyerno at maging ng mga Local Government Units (LGUs).

Binigyang diin ng solon na sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang Bayanihan to Heal As One Act, maaaring pansaman­talang i-takeover ng esta­do ang nasabing mga pasilidad sa panahon ng national emergency.

Idinagdag pa ni Suntay na maging ang Philippine College of Physicians ay umaapela kay Pangulong Duterte na ipagamit ang mga hotel sa Metro Manila upang mabawasan ang siksikan ng mga pasyenteng may COVID sa mga ospital.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with