^
Pagtaas pa ng COVID-19 cases asahan sa Hunyo o Hulyo
Sa panayam sa ANC, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na posibleng makaranas muli ng “surge” sa gitna ng iba’t ibang variants ng CO-VID-19 sa bansa.
National Task Force COVID-19

Pagtaas pa ng COVID-19 cases asahan sa Hunyo o Hulyo

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala si Natio-nal Task Force Against COVID-19 at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa posibleng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa Hunyo at Hulyo.

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Galvez na posibleng makaranas muli ng “surge” sa gitna ng iba’t ibang variants ng CO-VID-19 sa bansa.

“We have to expect this coming June or July baka magkaroon na naman tayo ng peaking o surge,” ani Galvez.

Masusubukan din aniya ang bisa ng mga bakuna sa loob ng anim hanggang siyam na buwan buhat nang magsimula ang pagbibigay ng bakuna.

Ipinaalala rin ni Galvez na hindi pa tapos ang krisis na dala ng COVID-19.

Mali aniya ang iniisip ng iba na tapos na ang krisis sa ibang bansa dahil anumang oras ay maaaring sumulpot ang virus.

“We have to expect for the worst when we are planning something and we are now preparing for it,” ani Galvez.

Ipinaalala rin ni Galvez ang cycle ng impeksiyon sa National Capital Region, Cebu at Bacolod City noong nakaraang taon sa unang wave ng COVID-19.

Hangga’t wala aniyang lunas o talagang nawala na ang COVID-19 ay hindi magkakaroon nang tuluyang pagba-ngon sa ekonomiya.

COVID-19 PHILSTAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with