^
Higit 922K naturukan na vs COVID-19
Sa naturang bilang, 64% o 872,213 ang nakakuha na ng kanilang first dose ng bakuna, habang 3.7% o 50,685 ang nakakumpleto na ng dalawang dose.
AFP/Robyn Beck

Higit 922K naturukan na vs COVID-19

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot sa 922,898 indibidwal ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa  Department of Health (DOH).

Sa naturang bilang, 64% o 872,213 ang nakakuha na ng kanilang  first dose ng bakuna, habang 3.7% o 50,685 ang nakakumpleto na ng dalawang dose.

Mayroon din uma-nong 2,670 vaccination sites sa buong bansa ang nagtuturok ng 1,936,600 doses na naipamahagi na ng pamahalaan, o katumbas ng 77% ng 2,525,600 shots ng bakuna na nai-deliber sa bansa.

Nabatid na ang se-ven-day daily average ng nabakunahang mga indibidwal ay nasa 22,932 ngayon mula sa dating 32,940 noong Marso 30.

Hindi naman nakapagpatuloy ang pitong lokal na pamahalaan sa pagbabakuna sa senior citizens matapos maubusan na ng AstraZeneca habang ang ilan ay nagpatuloy pa rin matapos bigyan na ng ‘go signal’ ng DOH na turukan ang mga matatanda ng Sinovac.

Ang Sinovac ay dating pinapayagan sa mga edad 18-59 na may comorbidities at ang AstraZeneca naman ay ibinibigay para sa mga senior citizen. 

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with