^
Isko, Pacquiao, Bongbong pagpipilian ni Duterte
Kabilang umano sa mga pagpipilian ng Pangulo Rodrigo Duterte sina Sen. Manny Paquiao, Manila Mayor Isko Moreno at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Philippine News Agency

Isko, Pacquiao, Bongbong pagpipilian ni Duterte

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

Kung hindi tatakbo sina Go at Sara

MANILA, Philippines — Tatlong pulitiko ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa kanya sa 2022 presidential elections kung hindi tatakbo ang anak niyang si Davao Mayor Sara Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Kabilang umano sa mga pagpipilian ng Pangulo  sina Sen. Manny Paquiao, Manila Mayor Isko Moreno at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pero sa huli ay ikokonsidera pa rin ng Pangulo kung sino sa mga nabanggit ang mayroong numero.

“He will have to choose from Isko, Manny Pacquiao, and Bong Bong Marcos kasi wala naman nang iba,” dagdag ni Roque.

Malaking bagay aniya ang gagawing pag-eendorso ng Pangulo dahil nananatili pa ring mataas ang approval sa kanya ng publiko.

Ipinunto pa ni Roque na may makinarya ang gobyerno na magagamit ng kandidatong mapipili nito.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with