‘Talk to the people’ ni Duterte kinansela

Marso 29 huling nagpapakita sa publiko si Pangulong Duterte.
STAR/File

Maraming PSG tinamaan ng COVID-19

MANILA, Philippines — Dahil sa maraming miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang tinamaan ng COVID-19 kaya ipinagpaliban muna ang “Talk to the People” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Sen. Bong Go, na gusto lang ng Ma­lakanyang na makasiguro na hindi makukumpromi-so ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Duter-te laban sa COVID-19.

Hindi naman matiyak ni Go kung ilan ang numero ng PSG na nagpositibo basta marami umano.

Siniguro naman ni Go na ang mga nagpositibong PSG ay walang direktang kontak sa Pre­sidente subalit gusto nilang matiyak na hindi mae-expose si Duterte sa sinumang tauhan ng PSG.

Kaya mananatili muna siya sa kanilang tahanan sa Palasyo ng Malakanyang at mabibigyan din ng pagkakataon ang Pangulo na magpahinga kaya sa susunod na linggo na lamang ang regular na public address nito.

Bukod dito, manganga­ilangan din ng maraming staff para sa paghahan­-   da ng “Talk to the People Address” at ikinokonsidera rin ng Malacañang ang kanilang kapakanan.

Tiniyak naman ng senador na “all is well”at walang problema sa kalusugan ng Pangulo, walang nakikitang sintomas ng COVID-19 at malakas siya.

Nanatili naman umano sila sa Maynila at hindi muna uuwi sa Davao City dahil sa umiiral na ECQ.

Marso 29 huling nagpapakita sa publiko si Pangulong Duterte.

Show comments