^

Bansa

Pilipino Star Ngayon: Nangunguna sa liga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “God first”.

Sa paglipas ng 35 taon, kumolekta na ang Pilipino Star Ngayon ng samu’t- sa­ring parangal buhat sa mga institusyon na kumikilala sa tapat, patas, at disente nitong pagbabalita.

Sa panahon ng pagkalat ng ‘fake news’ ngayong ba­gong henerasyon ng teknolohiya, muli ay isang parangal ang iginawad sa PSN.

Kinilala ng The Nielsen Co. Consu­mer and Media View ang Pilipino Star Ngayon na nangu­nguna sa mga binabasang tabloid sa bansa base sa pinakahuling survey nito.

Sa rami ng kumpetisyon sa Pilipinas na gumagamit ng iba’t ibang istratehiya para mapansin ng mga readers, isa lang ang natatangi at pinananatili ng PSN, ang pagiging DISENTE.

Marahil ay gasgas na salita ito ngayon sa panahon na hindi na pinapansin ang pagi­ging malinis sa salita at sa intensyon. Ngunit nananatili ang PSN na makapaghatid ng tamang mga impormasyon sa pina­kapatas at maayos na pamamaraan.

Mula sa pinakasariwang balita, sa opinyon, entertainment, libangan, at sports, pinananatili ng PSN ang pinakamataas na kalidad ng pamamahayag ng walang halong kabastusan.

Ang PSN na lang ang natatanging tabloid na hindi sumunod sa trend na kaila­ngang magkaroon ng bold at pagpapalaki sa mga kontrobersya upang mabili.

Kaya naman ang legacy na iiwanan ng PSN sa media industry ay ang pagiging DISENTE at maka-Diyos.

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with