^

Bansa

Pagluwag ng restrictions sisilipin sa pagtaas ng COVID-19

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagluwag ng restrictions sisilipin sa pagtaas ng COVID-19
Ayon ito kay testing czar at deputy chief implementer of the National Task Force Against COVID-19, Vince Dizon, titingnan din nila kung ang naging sanhi nang pagtaas ang pagbubukas ng mga sinehan. Aminado si Dizon na mahigit sa doble ang itinaas ng kaso buhat ng luwagan ang mga restrictions.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sisilipin ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emer­ging Infectious Diseases kung ang ginawang pagluwag sa mga restrictions ang dahilan sa pagtaas ng kaso ng may COVID-19. 

Ayon ito kay testing czar at deputy chief implementer of the National Task Force Against COVID-19, Vince Dizon, titingnan din nila kung ang naging sanhi nang pagtaas ang pagbubukas ng mga sinehan. Aminado si Dizon na mahigit sa doble ang itinaas ng kaso buhat ng luwagan ang mga restrictions.

“Ire-review po this week ‘yan, sa mga susunod na araw ire-review po iyan ng IATF ang kanilang rekomendasyon dahil nga mahigit dumoble ang mga kaso since lumabas yung mga desisyon na ‘yan,” ani Dizon.

Titingnan din kung muling ipatutupad ang mga barangay quarantine passes para sa mga lumalabas ng kanilang tahanan.

Pero nilinaw din ni Dizon na hindi pa ikinokonsidera ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocol.

Tiniyak ni Dizon na magkakaroon ng mas malinaw na desis­yon sa mga susunod na araw.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with