^

Bansa

COVID-19 patients sa mga ospital tumataas - DOH

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 patients sa mga ospital tumataas - DOH
“We have been receiving reports na meron talagang pagtaas ng mga numero ng mga pasyente sa ating mga ospital for COVID-19 cases,” ani Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na du­marami na naman ang mga pasyente ng COVID-19 na nako-confine sa mga pagamutan nitong mga nakalipas na linggo.

“We have been receiving reports na meron talagang pagtaas ng mga numero ng mga pasyente sa ating mga ospital for COVID-19 cases,” ani Vergeire.

Gayunman, wala naman aniyang nagaganap na second wave o surge ng COVID-19.

“Ang sinasabi namin there is a marked increase of cases. We are not going to say na it’s a ‘wave,’ it’s a ‘surge.’ Wala na ho tayong mga terminology na ganiyan dahil naguguluhan po ang ating mga kababayan,” paliwanag ni Vergeire.

Naniniwala si Vergeire na tumataas ang kaso ng COVID-19 hindi lang dahil sa mga bagong variants kundi dahil sa mga pasaway na binabalewala ang mga ipinatutupad na health protocols.

Ayon kay Vergeire, nakakadagdag lang o “aggravating factors” ang bagong variant pero ang totoong dahilan sa pagtaas ng kaso ay ang hindi pagsunod sa “minimum health standards.”

Bukod sa naiulat na UK variant, mayroon na ring South African o B 1.361 variant sa bansa.

Umabot sa 3,439 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon na maituturing na pinakamataas na naitala buhat noong magkaroon ng pandemya.

Nagbabala rin si Ver­gerie na kung patuloy na babalewalain ang health protocols ay magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon pa kay Vergerie, hindi nila inaalis ang posibilidad na magkaroon na naman nang paghihigpit sa community quarantine kung hindi susunod ang marami sa minimum health standards.

Nilinaw rin niya na ang vaccination rollout na isinasagawa ng local government units (LGUs) ay walang kaugnayan sa naturang pagtaas ng mga kaso ng sakit sa kasalukuyan.

“Definitely not. Ang bakuna po at ang vaccination ay makakaprotekta. Hindi ‘yan magbibigay sa atin ng mga negative outcomes katulad ng pagtaas ng kaso,” aniya pa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with