^
Duterte payag sa face-to-face classes
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa meeting ng Gabinete noong Miyerkules, sinabi ni Duterte na nais niyang magkaroon ng malawakang bakuna bago pa­yagan ang limitadong face-to-face na klase at mas luwagan ang mga lugar na nasa ilalim ng general community qua­rantine kabilang ang Metro Manila at ilagay sa MGCQ.
The STAR/Walter Bollozos

Duterte payag sa face-to-face classes

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

 ‘Pag 2 milyon na ang nabakunahan

MANILA, Philippines — Maaaring ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng face-to-face classes kapag umabot na sa 2 mil­yon ang nabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa meeting ng Gabinete noong Miyerkules, sinabi ni Duterte na nais niyang magkaroon ng malawakang bakuna bago pa­yagan ang limitadong face-to-face na klase at mas luwagan ang mga lugar na nasa ilalim ng general community qua­rantine kabilang ang Metro Manila at ilagay sa MGCQ.

Umabot na sa 9,077 indibidwal ang nabakunahan ng Sinovac vaccine sa Pilipinas, ayon sa anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Inaasahang aabot lang ng 300,000 indibiduwal ang mabibigyan ng dalawang doses ng bakuna mula sa 600,000 doses na donasyon ng Sinovac mula sa China.

Nasa 487,2000 doses ng bakuna naman mula sa AstraZeneca ang inaasahang dumating kahapon.

Matatandaan na da­lawang beses nang kinontra ni Duterte ang panukala na magkaroon ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Hindi rin pinagbigyan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na ilagay sa MGCQ ang Metro Manila ngayong Marso.

Sinabi ng Pangulo na mahalaga sa kanya na makabangon ang ekonomiya pero mas binibigyan niya ng bigat ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with