^
487K AstraZeneca vaccines darating ngayon
“This is to confirm that the initial shipment of AstraZeneca is set to arrive tomorrow, March 4, 2021, 7:30PM, as part or the first round of allocated doses from the COVAX facility,” pagkumpirma naman ni Presidential Spokesman Harry Roque.
AFP/Paul Ellis

487K AstraZeneca vaccines darating ngayon

Angie dela Cruz, Malou Escudero, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Darating na nga-yong araw ang 487,200 bakuna mula sa AstraZeneca.

Ito ang inanunsiyo ni Sen. Bong Go na sinabing sasalubungin nila ito ngayon ni Pa-ngulong Rodrigo Duter-te dakong alas-7 ng gabi sa Villamor Airbase.

Ang nasabing bakuna ay mula sa COVAX facility.

“This is to confirm that the initial shipment of AstraZeneca is set to arrive tomorrow, March 4, 2021, 7:30PM, as part or the first round of allocated doses from the COVAX facility,” pagkumpirma naman ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Matatandaan na  inasahan ng gobyerno ang pagdating ng mahigit sa 500,000 bakuna ng AstraZeneca vaccine nitong Lunes su-balit hindi natuloy dahil sa limitadong bakuna.

Ayon kay Go, nakatanggap ang Malakanyang ng isang liham na nag-aabiso ng pagdating ng bakuna.

Umaasa naman ang senador na hindi na mauudlot ang pagdating ng bakuna ngayong araw.

Samantala, tumanggi naman sina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez at Health Sec. Francisco Duque III na kumpirmahin ang pagdating ng AstraZeneca vaccines ngayong Huwebes.

“Dalawang beses na kami nakuryente diyan. Mabuti i-confirm ‘pag may plane nang lumipad from Belgium,” sabi ni Galvez, chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.

Samantala, nakatitiyak ang Malacañang na mas tataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan na magpabakuna habang patuloy ang pagdating ng bakuna sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, mas dumami ang health workers na nais mabakunahan.

Ilang pribadong   ospital na rin aniya ang nag-request ng alokasyon ng Sinovac.

ASTRAZENECA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with