^
Health workers na nais magpabakuna, dumami pa
Sinabi ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi na mula sa 1,200 doses, itinaas na nila sa 2,000 ang kanilang request para mas maraming staff nila ang mabakunahan.
AFP/Siphiwe Sibeko/Pool

Health workers na nais magpabakuna, dumami pa

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humiling na sa Department of Health (DOH) ang pamunuan ng Philippine General Hospital ng dagdag na doses ng Sinovac vaccine makaraang lalo pang dumami ang mga healthcare workers na nais nang magpabakuna.

Sinabi ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi na mula sa 1,200 doses, itinaas na nila sa 2,000 ang kanilang request para mas maraming staff nila ang mabakunahan.

Pinakaunang nagpabakuna si Legaspi sa PGH na sinundan ng ibang opisyal ng pamahalaan at mga naka-iskedyul na health workers na unang pumirma.

Sa unang araw ng vaccination, nasa 128 medical staff nila ang nagpabakuna na sinundan ng 483 nitong Martes.

“Siguro nung nakita ng mga tao na ang mga doktor na nangunguna ay pawang naniniwala na importante itong pagbabakuna, kahit anong brand basta mabakunahan po,” ayon kay Legaspi.

Agad namang tumugon ang DOH at itinaas na sa 2,000 doses ang ibibigay na suplay ng Sinovac vaccine sa PGH.

Tumaas rin ang bilang ng health workers mula sa San Lazaro Hospital na nais magpabakuna na.  Mula sa inisyal na 150 na nagpalista, tumaas na ito ngayon sa 178.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with