^

Panukalang pumipigil sa PhilHealth contribution hike, pasado na - Sen. Go

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aprubado na ng Se-nate Committee on Health and Demography ang panukalang batas na pansamantalang pipigil sa nakatakdang pagtataas ng buwanang kontribusyon ng Philippine Health Insu-rance Corp. (PhilHealth).

Ayon kay Sen. Bong Go, chairman ng komite, na noong ipinasa ang Universal Health Care Act, walang nakakaalam na darating ang pande-mic bagamat ang pagtataas ng kontribusyon ng PhilHealth ay magtitiyak ng sapat na pondo para sa health care ng bawat miyembro nito.

Kaya ngayon ay dapat lamang na ipagpaliban muna ang pagtataas ng kontribusyon lalo na nga-yong masama ang kon-disyon ng ekonomiya da-hil sa krisis.

Ang premium contribution rate ng PhilHealth na 3% ng monthly basic salary ng direct contributor sa 2020 ay nakatakdang itaas sa 3.5% ngayong 2021 base na rin sa  mandato ng Republic Act No. 11223 o ng UHC Act.

Ang mandatory contributions ay magtataas taon-taon hanggang 2025 hanggang sa ito ay ma-ging 5% na ng monthly income.

Inaprubahan  din ng komite ang panukalang nagbibigay ng awtorisasyon sa Pangulo na isuspinde ang anumang increase sa premium contributions sa panahong nasa national o public health emergencies ang bansa.

Magkakasa naman ng  report ang health committee upang ang panukala ay matalakay sa plenaryo.

Giit naman ni Go na sang-ayon ang Pangulo na ipagpaliban pansamanta- la ang pagtataas sa premium rates ng PhilHealth habang may kinakaharap pang pandemya ang bansa.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with