^
Pinas magtatagumpay sa laban vs COVID-19
Ito ang binigyang diin ni Speaker Lord Allan Jay Velasco na ipinaabot ang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte na nilagdaan na at pinagtibay bilang batas ang COVID-19 Vaccination Program Act.
AFP/Jack Guez

Pinas magtatagumpay sa laban vs COVID-19

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mapagtatagumpayan ng Pilipinas ang matinding laban sa COVID-19  habang mapoprotektahan din ng pamahalaan ang nasa 110 milyong populasyon ng bansa.

Ito ang binigyang diin ni Speaker Lord Allan Jay Velasco na ipinaabot ang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte na nilagdaan na at pinagtibay bilang batas ang COVID-19 Vaccination Program Act.

“This landmark legislation was designed to fast-track the procurement and administration of the life-saving vaccine against the deadly coronavirus to a greater number of Filipinos”, pahayag ni Velasco.

Si Velasco ang pangunahing nagsulong sa Kamara ng COVID- 19 Vaccination Program Act na mabilis namang naipasa sa huli at ikatlong pagbasa sa plenaryo matapos sertipikahang ‘urgent ‘ ng punong ehekutibo.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas ay mapapabilis ang pagbili at pangagasiwa ng mga bakuna kontra COVID 19 at maging ang mga Local Government Units (LGUs) ay maaaring makabili ng COVID-19 vaccine.

Samantalang naglalaan din dito ng P500 milyon indemnity fund para sa mga pasyente na magkakaroon ng adverse reaction sakaling maturukan ng bakuna.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with