^
Sen. Bato naniniwalang ânapaglaruanâ ang PDEA at PNP ng sindikato
Ayon kay Dela Rosa na dating hepe ng PNP, dahil kung talagang pareho umanong lehitimo ang lakad ng dalawang grupo ay posibleng napaglaruan sila ng mga sindikato ng droga at sila mismo ang pinagbangga.
The Star/Mong Pintolo, file

Sen. Bato naniniwalang ‘napaglaruan’ ang PDEA at PNP ng sindikato

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maging si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ay naniniwalang miyembro ng sindikato o napaglaruan ng mga informants o assets ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dahilan kaya nagkaroon ng madugong engkwentro ang dalawang grupo.

Ayon kay Dela Rosa na dating hepe ng PNP, dahil kung talagang pareho umanong lehitimo ang lakad ng dalawang grupo ay posibleng napaglaruan sila ng mga sindikato ng droga at sila mismo ang pinagbangga.

Ayon kay Dela Rosa, maaaring ang mga informant o asset na ginamit ng PNP at PDEA ay bahagi rin ng malaking grupo ng sindikato ng droga na siyang nag-manipula kaya naganap ang misencounter.

Posibleng ito rin umano ang bagong istratehiya ngayon ng mga sindikato ng droga para magpatuloy ang kanilang ilegal na mga aktibidad sa gitna na rin ng mga ulat na mababa ang supply ngayon ng shabu sa bansa.

Sa Martes ay sisimulan ng Senate committee on Public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Dela Rosa ang im­bestigasyon sa nasabing insidente.

PDEA PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with