^

Anak, maaari nang mamili sa apelyido ng ama o ina

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nang mamili ang isang lehitimong anak kung apelyido ng ama o ina ang kaniyang gagamitin makaraan ang desisyon ng Supreme Court (SC) na pagbigyan ang kahilingan ng isang lalaki na gamitin ang apelyido ng kaniyang nanay.

Iginiit ng SC na kailangang ipatupad ang pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa batas at ang responsibilidad ng pamahalaan na buwagin ang “patriarchy” na pananaw.

Sa desisyong ibinaba noong Nobyembre 11, 2020 na inilabas lamang ngayon, pinagbigyan ng SC Third Division ang petisyon ni Anacleto Ballaho Alanis III na gamitin ang apelyido ng ina na Ballaho sa halip na ang apelyido ng ama na “Abdulhamid”.

Nabatid na naghiwalay ang kaniyang mga magulang noong limang taong gulang pa lamang si Anacleto.  Una niyang hiniling sa Zamboanga Regional Trial Court na baguhin ang kaniyang apelyido sa birth certificate na hindi pinagbigyan.

Matapos ang mga serye ng petisyon, nakarating ang kaso sa SC na binaligtad ang desisyon ng mababang korte.

Ayon kay Associate Justice Marvic Leonen, mali ang trial court sa pag-analisa sa Article 364 ng Civil Code na nakasaad na “legitimate and legitimated children shall principally use the surname of the father.”  Sinabi ni Leonen na hindi ang katagang “principally” ay eksklusibo nang gagamitin ang apelyido ng ama sa pangalan ng anak.

Binigyang timbang rin ng SC ang Article II Section 14 ng Konstitusyon na nagsasaad ng pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki at maging ang paglahok ng Pilipinas sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women noong 1980.

SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with