^
Sinovac vaccine darating na sa Linggo - Palasyo
“Tatlong tulog na lang po parating na ang bakuna. Inaasa-han na darating sa araw ng Linggo, itong Linggong ito ang Sinovac kaya excited na tayong lahat,” ani Pre-sidential Spokesperson Harry Roque kahapon.
AFP/Noel Celis

Sinovac vaccine darating na sa Linggo - Palasyo

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

Ilang tulog na lang pagbabakuna masisimulan na

Sa Linggo na dara-ting ang inaabangang Sinovac vaccine mula sa China, ayon sa Malacañang.

“Tatlong tulog na lang po parating na ang bakuna. Inaasa-han na darating sa araw ng Linggo, itong Linggong ito ang Sinovac kaya excited na tayong lahat,” ani Pre-sidential Spokesperson Harry Roque kahapon.

Sinabi rin ni Roque na 600,000 doses ng Sinovac vaccine ang darating sa bansa.

Ayon pa kay Roque, posibleng sa Lunes na simulan ang pagbabakuna kapag dumating na ito sa Linggo.

“Ang alam ko po, all we need is one day and then we will roll out. So, if it arrives on Sunday, if I am not mistaken, then we can rollout on Monday, dahil excited na excited na po ang maraming kababa-yan natin,” dagdag ni Roque.

Sa mga ulat na ma­rami ang ayaw magpaturok, sinabi ni Roque na marami rin naman ang gustong magpabakuna at ang iba ay ayaw lamang mauna gustong makita ang resulta sa kanilang kapitbahay o mga doktor.

“Alam ko po ma­raming nagsasabi na maraming ayaw magpaturok ‘no,  pero mayroon din pong pag-aaral na ginawa na nagpapakita na 77% naman po ang magpapaturok, gusto lang nila mauna iyong iba at gusto nilang makita iyong mga kapitbahay nila, iyong mga doktor na mauna,” ani Roque.

Inaasahan na sasalubungin ng mga opis­yal ng gobyerno ang pagdating ng bakuna sa Linggo.

“Inaasahan natin, at least ang pinaplano natin na sasalubungin ng mga opisyal ang pagdating ng mga bakuna.

Maraming salamat muli sa Sinovac at Tsina dahil sa parating na ang paunang bakuna para sa Pilipino,” dagdag ni Roque.

SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with