^
Robredo puwedeng magpaturok ng Sinovac â Malacañang
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang darating na sa bansa ang Sinovac bago matapos ang buwan at puwedeng magpaturok si Robredo kung gugustuhin nito.
STAR/File

Robredo puwedeng magpaturok ng Sinovac – Malacañang

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mistulang hinamon kahapon ng Malacañang si Vice President Leni Rob­redo na magpa­turok ng Sinovac vaccine mula sa China sa sandaling dumating na ito sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang darating na sa bansa ang Sinovac bago matapos ang buwan at puwedeng magpaturok si Robredo kung gugustuhin nito.

Ipinaalala pa ni Roque ang pahayag ni Robredo na magbo-boluntaryo siyang magpabakuna sa harap ng publiko.

“Kung gusto po ni Vice President, she is welcome to join also. At kung inyong matatandaan, sa kanyang mga naging pahayag sa media ay magbuboluntaryo naman po siya bilang isang Vice President,” ani Roque.

Ipinunto ni Roque na hindi pa naman senior citizen si Robredo kaya pasok pa ito sa mga puwedeng mabakunahan.

At tinanong po ang inyong lingkod ng mga miyembro ng MPC kung kasama sila sa unang mababakunahan sa age prioritization at pasok na pasok naman po si VP Leni. Hindi pa naman po siya senior,” ani Roque.

Matatandaan na na­iba ang listahan ng mga prayoridad sa mga bibigyan ng bakuna na gawa ng Sinovac dahil hindi ito inirerekomenda sa mga health workers bagaman at puwede sa ibang frontliners katulad ng mga sundalo at may edad 18 hanggang 25 taong gulang.

LENI ROB­REDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with