^
P1 bilyong gastos ng SMC sa bakuna ng employees
Nakakuha na ang SMC ng COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang sources at kasalukuyan nang iniha­handa ang programa para sa COVID-19 vaccination strategy sa pamamagitan ng kanilang “Ligtas Lahat” task force katuwang ang mga government agencies.
STAR/File

P1 bilyong gastos ng SMC sa bakuna ng employees

(Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gumastos ang San Miguel Corporation (SMC) ng halos isang P1 bilyon para sa libreng pagpapabakuna sa kanilang 70,000 employees at extended workforce at matulungan ang bansa sa paglaban sa COVID-19.

Nakakuha na ang SMC ng COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang sources at kasalukuyan nang iniha­handa ang programa para sa COVID-19 vaccination strategy sa pamamagitan ng kanilang “Ligtas Lahat” task force katuwang ang mga government agencies.

“Our program is in line with our core value of malasakit and aims to create a safe and healthy workplace so that we can further contribute to our country’s economic recovery,” sabi ni SMC president Ramon S. Ang.

Gagawin ang pagbabakuna sa kanilang mga empleyado sa isang voluntary basis.

Umaasa si Ang na magpapabakuna ang lahat ng kanilang eligible employees sa oras na dumating sa bansa ang COVID-19 vaccines.

Gagamit ang SMC ng vaccines na nakapasa sa mahigpit na safety protocols at awtorisado ng Philippine Food and Drug Association (FDA) para sa emergency use.

COVID-19 VACCINE SMC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with