^
UK COVID-19 variant kalat na sa 6 na rehiyon - DOH
Tinukoy ng DOH ang mga rehiyon na ito ang: Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Central Visayas, Northern Mindanao, at Davao Region.
Walter Bollozos/ File

UK COVID-19 variant kalat na sa 6 na rehiyon - DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa anim ng rehiyon sa bansa ang UK COVID va­­riant makaraang isailalim sa ‘genome sequencing’ ang mga samples ng mga pasyente, ayon sa Department of Health (DOH).

Tinukoy ng DOH ang mga rehiyon na ito ang: Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Central Visayas, Northern Mindanao, at Davao Region.

Iginiit naman ni DOH Secretary Francisco Duque III, kulang pa ito para makumpirmang may community transmission na ng UK variant sa bansa.

“Walang malinaw na puwedeng sabihin o conclusion kung ano ba talaga ang epekto ng variants na ito sa pangkalahatang kaso ng COVID-19,” ani Duque.

Hindi pa rin umano maaaring maiugnay sa mas nakakahawang UK variant ang pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang lungsod sa NCR.

Nagpapatuloy pa rin sa pagsusuri ng mga samples ang Philippine Genome Center (PGC) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang makakuha ng dagdag na mga impormasyon sa lawak na ng narating ng naturang variant.

Matatandaang noong Linggo ay 18 bagong kaso ng UK variant ang naitala ng DOH sa Pilipinas. Sa mga bagong kaso, 13 ang returning overseas Filipino na dumating mula Enero 3 hanggang 27.

Bukod dito, mayroon ring tatlong kaso na nakumpirmang may mutation na N501Y at E484K, na pawang mga taga-Central Visayas. Nakatakdang ipadala ng DOH ang samples ng bagong mutation sa World Health Organization (WHO) para magsagawa ng kanilang sariling pagsusuri.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with