^
Panuntunan para sa halalan 2022 binubuo na
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Chairman Sheriff Abas na binabalangkas na nila ang mga protocols mula sa paghahain ng candidacy, hanggang sa bilangan ng boto.
STAR/ FIle

Panuntunan para sa halalan 2022 binubuo na

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binubuo na ng Commission on Elections ang mga panuntunan na iiral para sa eleksyon sa 2022 sa gitna ng pandemya.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Chairman Sheriff Abas na binabalangkas na nila ang mga protocols mula sa paghahain ng candidacy, hanggang sa bilangan ng boto.

Posibleng ilabas ang mga panuntunan sa ikahuling quarter ng taon.

“Ongoing pa po iyong aming proseso diyan, Secretary, dahil hinihimay pa po namin halos lahat ng protocols from canvassing, from fi­ling, from bilangan, lahat. So, siguro mga end or last quarter ng taong ito,” sabi ni Abas.

Sinabi pa ni Abas na sa ngayon ay wala pang “fixed na guidelines” tungkol sa panga­ngampanya kahit pa lumutang ang planong ibawal ang face-to-face na pagharap ng mga pulitiko sa mga botante.

Idinagdag nito na tinitingnan pa rin nila kung hanggang kailan tatagal ang pandemic at hihigpitan ang mga health at safety protocols sa eleksiyon.

Gagawin aniyang batayan ang gaganaping plebesito sa Palawan sa Marso 13 kung magiging epektibo ang mga ipatutupad na polisiya.

Lilimitahan na rin ang mga watchers ng mga pulitiko at mahigpit aniyang ipatutupad ang pagsusuot ng face mask at face shield.

COMELEC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with