^

Bulkang Taal patuloy ang pag-aalboroto

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag -aalboroto ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa tala ng Phil Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)  ang Taal Volcano ay nagkaroon ng 91 tremor episodes  sa loob ng isa hanggang limang minuto sa nakalipas na 24 oras.

Mayroon namang mahinang paglabas ng kulay gray na usok mula sa Main Crater ng bulkan na may 5 metro ang taas. Umaabot ang taas ng temperatura sa Main crater lake sa 77.1°C at pH na 1.59 gayundin ay may ground deformation para­meters sa Volcano Island at bahagyang deflation sa bunganga ng bulkan.

Nananatili namang nasa Alert Level 1 (Abnormal) ang Taal Volcano na nangangahulugan ng banta ng pagsabog, minor ashfall at volcanic earthquakes.

Patuloy ding bawal pumasok ang sinuman sa  Taal’s Permanent Danger Zone lalo na sa may bisinidad ng Main Crater ng bulkan at  Daang Kastila fissure.

Pinapayuhan ang mga tao doon na doblehin ang pag-iingat dahil sa  ground displacement sa may  fissure ng bulkan, pagluwa ng asupre, pagbagsak ng abo mula sa bunganga ng bulkan at pagyanig.

TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with