^

AFP magpapadala ng barko sa WPS

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapadala ng mas maraming naval asset ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea para proteksyunan ang mga mangingisda sa bagong batas ng Tsina.

Ayon kay AFP Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, nakasaad sa Coast Guard law ng Tsina ang ‘go signal’ na pagbaril sa sinumang dayuhan na makikitang papasok sa pinag-aagawang katubigan.

“Ang gagawin natin as part of our mandate to secure the people, i-increase po natin ang ating visi­bility through the deployment of more naval assets,” ani Sobejana.

Gayunman, nilinaw ni Sobejana na hindi ito indikasyon ng anumang away laban sa China at sa halip ay kasiguraduhan na magiging ligtas ang mga Pilipino.

Aminado si Sobejana na naalarma sila sa  pahayag ng Chinese Coast Guard na hindi sasantuhin ang sinumang papasok sa kanilang teritoryo.

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with