^

Libu-libong biktima ng baha sa Negros Occidental inayudahan

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkaloob ng food assistance si Sen. Grace Poe sa libu-libong pamilya na naapektuhan ng flash floods sa Negros Occidental.

Ipinamahagi ni Poe ang tulong sa isang relief ope­ration na pinangasiwaan ng  Panday Bayanihan sa mga siyudad ng Victorias at Silay kung saan libu-libong pamilya ay naging biktima ng malaking pagbaha. Tumanggap ang mga biktima ng food packs na may kilu-kilong bigas,  packs of noodles, cans of corned beef and beef loaf, at  sachets of coffee drink.

“Alam po natin na hindi sapat ‘yan, pero kahit paano, mararamdaman nila na nandito ang inyong lingkod sa sitwasyon na kailangan nila ang tulong at kalinga,” wika ni Poe.

Nagpasalamat ang mga benepisyaryo kay Poe at sa Panday Bayanihan sa pagsasabing nagbigay inspirasyon sa kanila ang tulong na natanggap upang sila ay muling makabangon sa krisis.

Ang Panday Bayanihan ay isang non-govern­ment organization na pinamumunuan ng anak ng senador at kanyang chief of staff na si Brian Poe Llamanzares na aktuwal na na­ngasiwa sa pagkakaloob ng ayuda..

“Nakakalungkot talaga. Binaha sila not just once, but twice. Hindi pa nga nakakaahon sa unang baha, binaha pa uli wala pang 10 araw ang pagitan,” wika ni Poe.

FLOOD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with